Mobile Bank ng Land Bank of the Philippines, ide-deploy rin sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad

Mas marami pang maseserbisyohan ang Land Bank of the Philippines at may maaasahan pa ring bangko ang ilang mga residente kahit pa sila ay tinamaan ng kalamidad.

Ito ay matapos ilunsad ng Land Bank of the Philippines. ang kanilang mobile branch na tinatawag ding pop-up branch.

Ito ay isang 6-wheeler truck na mayroong opisina, meron ding ATM machine na agad maide-deploy sa mga lugar na lubos na nangangailangan tulad na lang ng manalaytay ang Bagyong Ondoy, Bagyong Yolanda sa Tacloban at noong gulo sa Marawi.


Ayon kay Ms. Marilou L. Villafranca, Senior Vice President Head, North NCR Branches, maraming iba’t ibang uri ng transaksyon sa bangko ang kaya nitong magawa.

Bukod sa empleyado ng gobyerno, sa Land Bank din nagwi-withdraw ang benipesyaryo ng 4Ps, social pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayuda para sa mga driver mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pa.

Facebook Comments