Mobile Blood Letting Activity sa Pangasinan nilahukan ng mga kawani ng gobyerno upang mapababa ang mga nasasawi sa Dengue

Isinagawa kahapon sa Provincial Health Office ang Mobile Blood Letting Activity na nilahukan ng mga ahensya ng gobyerno sa lalawigan ng Pangasinan upang mapababa ang bilang ng mga nasasawi sa sakit na dengue.

Sa panayam ng Ifm Dagupan, kay Dra. Anna De Guzman, ang tema ng naturang programa na “Dugo mo, Dugtong ng buhay ko” ay isang paraan upang magkaroon ng ligtas at sapat na suplay ng dugo sa mga nangangailangan hindi lamang sa mga dengue patients maging sa mga manganganak rin na kailangan ng dugo.

Naka kuha ng 75 blood bags ang ahensya at ito ay iimbak sa blood bank at nakahandang iwithdraw kung sakali mang mangailangan ang isang pasyente.


Iikot naman ang Mobile Blood Letting Activity sa mga bayan na mayroong pinakamataas na kaso ng dengue.

Sa ngayon nasa watchlist ng ahesnya ang bayan ng Bani , San Carlos at San Quintin.

Sa datos ng PHO umabot na sa 3, 559 ang kaso ng dengue sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Agosto 19, 2019 at sampu ang nasawi.

Photo Credit: Province of Pangasinan Page

Facebook Comments