Mobile City Hall, inilunsad ng lokal ng pamahalaan ng Caloocan

Para mas lalong maging malapit at mabilis ang serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Caloocan, inilunsad nila ang Mobile City Hall.

Partikular na umiikot ang Mobile City Hall sa Barangay 175, Pag-asa Covered Court, JP. Rizal Street.

Ito ang kauna-unahang Mobile City Hall program ng Caloocan LGU kung kaya’t hinihikayat ang mga residente na sulitin ang pagkakataong tulad nito.


Maaaring asikasuhin at ilapit ang anumang mga pangangailangan tulad ng mga permit, requirements sa trabaho, medical assistance at iba pa.

Partikular na hinihimok ang ilang residente na nahihirapang lumiban sa trabaho tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Bukod naman sa mga pangangailangan, may libre ring medical check-up, legal advice, notaryo, gamot at one-day processing ng Person With Disability (PWD) ID.

Maaari ring iproseso sa Mobile City Hall ang pagpaparehistro o pagsasa-ayos ng birth certificate at civil registry.

Facebook Comments