BINATA KRITIKAL, SA BANGGAAN NG MOTOR AT VAN SA BAYAN NG SUAL

Kritikal ang isang trentay dos anyos na binata sa naganap na banggaan ng minamaneho nitong motor at van sa bayan ng Sual.
Ang biktima ay nakilalang si Mike Andres residente ng Brgy. Seselangen sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na naganap ang aksidente pasado alas diyes ng gabi sa Brgy. Seselangen nang bumangga sa kasalubong na Van ang Motor ng biktima matapos nitong aksidenteng mapunta sa linya ng Van.

Bunsod nito ay nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan at ngayon ay patuloy na inoobserbahan. |ifmnews
Facebook Comments