Umikot na ngayong araw ang mobile community testing unit ng Quezon City Local Government Unit (QC- LGU) upang maibaba sa mga barangay ang serbisyo at paglaban kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Katuwang dito ng QC-LGU ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, libre ang gagawing testing sa lahat ng mga residente.
Ang mobile community testing unit ay mayroong swabing equipment at mga well- trained na mga health officers, contact tracing at mga emergency equipment.
Ang magpopositibo dito ay agad ipapadala sa Hope facility para sa medical treatment at recovery.
Sakali aniyang maging tagumpay ang mobile community testing, agad niyang ipag-uutos ang pagdadagdag nito para lalong mapabilis ang rapid testing.
Sa ngayon, Quezon City pa rin ang nangungunang lungsod sa National Capital Region (NCR) na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.