Inanunsyo ni Vice President Leni Robredo na nag-aalok sila ng mobile testing hubs sa local government units (LGUs) para magamit na COVID-19 vaccines na nakatakdang ma-expire sa mga susunod na buwan at maiwasang masayang ang mga ito.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, ang Mobile Swab Cab ng Office of the Vice President (OVP) na nag-aalok ng libreng antigen testing – ay maaaring gamitin bilang vaccine hubs.
Kapag nakatanggap ang OVP ng vaccine supplies, ang kanilang team ay tutungo sa mga public markets at iba pang lugar para hikayatin ang mga tao na magpabakuna.
Facebook Comments