Mobile internet speed ng Pilipinas nitong Oktubre, mas bumilis pa – Ookla

Mas bumilis pa ang Mobile internet speed sa bansa nitong Oktubre.

Ayon sa Ookla’s latest Internet Performance Report, aabot na sa 38.12Mbps ang average mobile download speed sa Pilipinas sa nasabing buwan.

Kumpara ito sa 35.03Mbps na naitala noong Setyembre at higit na mas mabilis kumpara sa naitalang 33.77 Mbps noong Agosto.


Sa kabila nito, bahagya namang bumaba ang fixed broadband speed sa bansa nang makapagtala ng 71.08Mbps noong Oktubre, kumpara sa 71.85Mbps noong Setyembre.

Kumakatawan ang nasabing datas speed improvement na 798.61% mula nang mag-umpisa ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pagbuti ng internet speed sa bansa ay dahil sa pagpapatayo ng imprastraktura ng mga telco, kabilang ang cellular towers at fiber optic network.

Matatandaang una nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na pabilisin ang proseso sa pag-iisyu ng Local Government Unit permits sa mga telco.

Facebook Comments