Mobile internet speed ng Pilipinas noong Setyembre, mas bumilis pa – Ookla

Mas bumilis pa ang Mobile internet speed sa bansa noong buwan ng Setyembre.

Ayon sa Ookla’s latest Internet Performance Report, aabot sa 35.03 Mbps ang average mobile download speed sa Pilipinas sa nasabing buwan.

Higit na mas mabilis ito kumpara sa naitalang 33.77 Mbps noong Agosto.


Nag-improve rin ito ng halos 107.4% kumpara sa mobile download speed average na naitala ng noong Setyembre 2020.

Sa kabila nito, nananatiling below the global average of 63.15 Mbps ang bansa at nananatiling nasa 72 mula sa 138 na bansa pagdating sa usapin ng mobile download speed.

Samantala, bahagyang bumaba naman ang mobile internet upload speed ng bansa kung saan 8.54 Mbps lamang ang naitala ng Ookla para sa buwan ng Setyembre na mas mabagal kumpara sa 8.63 Mbps noong Agosto.

Facebook Comments