Mobile Market ng Cainta, Rizal Government, iikot sa Barangay Brookside

Tuluy-tuloy ang pagbibigay serbisyo sa lahat ng mga residente ng Cainta, Rizal kung saan ay mag-iikot ngayon ang mga Mobile Market ng Cainta, Rizal Government sa Barangay Brookside.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na marami nag mga tumutulong na ilang mga indibidwal na residente ng Cainta, Rizal kung saan ay tutulong at sasali na rin ang rublou meat sa pagbenta ng murang karne gamit ang Mobile Market ng Cainta, Rizal Government.

Paliwanag ng alkalde na mayroon umano siyang isang trak na pinagawa para sa kanila at gagana na ito ngayon para gawing Mobile Market upang matugunan ang pangangailangan ng maraming mga residente ng Cainta, Rizal.


Dagdag pa ni Mayor Nieto, layon umano ng Mobile Market ay upang hindi na pumunta pa sa mga Palengke ang mga residente ng para bumili ng kanilang makakain dahil mismo ang palengke na ang magtutungo sa pitong barangay ng Cainta, Rizal kung saan ang presyo ng mga karne, isda at mga gulay ay katulad din ng presyo sa mga palengke.

Facebook Comments