Mobile palengke sa Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig, dinagsa ng mga mamimili

Pinilahan ng mga residente ng Ilugin Uno Barangay Pinagbuhatan,Barangay Pineda, Barangay Kapitolyo, Bagong Ilog at San Miguel ang mobile palengke ng Pasig City Government na may lamang mga gulay, karne at isda.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto malaking tulong ang mobile palengke para hindi na lumabas sa kanilang tahanan ang mga residente dahil hindi na nila kinailangan pang pumunta sa Pasig Mega Market at talipapa para makabili ng pagkain.

Paliwanag ng alkalde karamihan sa mga residente ng Pasig ay naglalakad lang tuwing namimili dahil sa mahigpit na ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Dagdag pa ni Sotto mababawasan din umano ang kanilang exporure sa COVID-19 dahil mas matao sa palengke kumpara sa mobile palengke na ipinaturupad nila ang social distancing na nakasuot ng face mask.

Walang aniyang pinagkaiba sa presyo ng mga binebenta sa Pasig Mega Market ang mga binebanta sa mobile palengke.

Facebook Comments