Mobile service App ng TESDA, mas pinaganda at pinalakas pa ayon kay Sec. Lapeña

Mas pinalakas pa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang Mobile service Application.

Muli kasi itong lumagda ng isang kasunduan sa isang software technology developer na Bizooku Philippines upang tulungan sila na mapaganda at mapalakas ang mobile app ng ahensya.

Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapeña, sa pamamagitan ng kanilang mobile App, makakapagbigay ang ahensya ng mas maraming trabaho para sa kanilang mga graduate.


Bunsod nito, mas darami pang mga industriya sa bansa ang gagamit sa mobile App ng TESDA at mas magiging user-friendly ito sa mga customer na nais mag-book ng serbisyo na ibinigay ng TESDA.

Unang ginawa ang TESDA App serving noong 2019 ng Bizooku Philippines bilang information at E-learning platform ng mga Pilipino kung saan nagkaroon ito ng 100,000 downloads at mahigit 600,000 engagements.

Facebook Comments