Mobile vaccination buses, ipapakalat na rin ng DOH

Magde-deploy ang Department of Health (DOH) ng mga mobile vaccination bus sa mga barangay.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabin ni Health Usec. Myrna Cabotaje na malaking tulong ito upang mas mapaigting ang pagbabakuna lalo na sa mga senior citizen at mga comorbidities.

Sa ganitong priority group kasi nananatiling mataas ang vaccine hesistancy.


Ayon kay Cabotaje, magiging prayoridad sa mga mobile vaccination ang mga hirap nang makalakad na mga senior citizen at mga mayroong kapansanan.

Sa katunayan, may ilang siyudad na sa bansa ang nagsasagawa ng ganito pamamaraan kung saan doon mismo sa isang barangay o isang sitio, inilalagay ang mga mobile vaccination center.

Sa ngayon, aabot pa sa 2.5 milyon na mga senior citizens ang hindi pa nababakunahan habang nasa 222,000 naman na mga may comorbities ang kinakailangan pang maturukan ng bakuna.

Facebook Comments