MAGKAPATID, GINAHASA NG AMAIN; SUSPEK, ARESTADO

Cauayan City, Isabela- Naaresto ng mga awtoridad nitong sabado, Pebrero 12, 2022 ang Top 10 Most Wanted Person sa rehiyon dos sa kasong panggagahasa sa dalawa nitong stepdaughter sa Brgy. Escoting, Diadi, Nueva Vizcaya.

Magkasanib pwersa ang mga tauhan ng Diadi Police Station, Provincial Intelligence Unit (PIU) ng NVPPO, RIU2 PIT, 2nd Manuever Platoon ng 1st NVPMFC, 142 SAC, 14 SAB at PNP – SAF na umaresto sa suspek na si Fidel Feliciano, 30-taong gulang, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.

Batay sa naging salaysay ng magkapatid na biktima sa pulisya, taong 2017 ng magsimula umanong gahasain sila ng kanilang amain kung saan nangyayari ang pang-aabuso sa tuwing wala ang kanilang ina sa bahay.

Dalawang beses umano ginawa ang panghahalay sa magkapatid sa magkaibang araw ngunit sa isang lugar.

Dahil sa matinding takot at pagbabanta, hindi na nagawang makapagsumbong sa kaanak ang magkapatid matapos ang ginawang pang-aabuso.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nito lamang Enero 17,2022 kung saan nahaharap ito sa kasong Rape at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay pangangalaga ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments