MOBILE VACCINATION CLINIC BALAK ILUNSAD SA LINGAYEN

LINGAYEN, PANGASINAN – Pinag-iisipan na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Lingayen at Rural Health Unit 1 and 2 ang paglulunsad ng Mobile Vaccination Clinic sa mga malalayong barangay sa bayan.

Layunin nito na maabot ang mga residente o kababayang nais mabakunahan ngunit nasa malalayong barangay at hirap magtungo sa mga itinalagang vaccination sites sa bayan.

Ang mobile vaccine clinic ay magkakaroon ng cold storage facility na maaaring paglagyan ng mga gagamiting bakuna tulad na lamang ng Pfizer, Moderna at Sinovac.


Samantala, isa ito sa inilatag na hakbang ng LGU Lingayen upang mapabilis ang pagbabakuna sa bayan at makamit ang target na 70% na mabakunahan nito bago matapos ang taong ito.###

Facebook Comments