Nagsimula na ang bakunahan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX pasado alas-10:00 ngayong umaga.
Ang nasabing proyekto inisyatibo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Katuwang nito ang Department of Transportation (DOTr), Department of Health (DOH), at PITX.
500 lamang ang babakunahan gamit ang AstraZeneca at pang booster shot, pero nagbigay rin sila ng bakuna para sa first dose at second dose na gustong mag-pabakuna gamit ang nasabing brand ng COVID-19 vaccine.
Ang bakunahan sa PITX ay bukas para sa lahat mula sa pasahero hanggang sa manggagawa ng PITX na tatagal hanggang sa Biyernes January 28.
Samantala, sinabi naman ng pamunuan ng DOTr na plano rin nilang i-extend ang mobile vaccination drive sa mga paliparan, pantalan, railways stations, at sa mga exit ng expressway.