Mobile Vaccination, Umarangkada na sa Tuguegarao City

28

Cauayan City, Isabela- Sinimulan na ang mobile vaccination sa Lungsod ng Tuguegarao para sa mga nasa A2 at A3 priority group o mga senior citizens at person’s with Comorbidity.

Binubuo ito ng mga Doktor at nurses ang mobile vaccination team na mula sa Tuguegarao City Health Office.


Layunin ng nasabing aktibidad na mabigyan ng bakuna ang mga indibidwal na hindi na maaaring makalabas ng kanilang bahay.

Para sa mga may kasama sa bahay o kaanak na may senior o person with comorbidity na maaaring iparehistro sa barangay midwife para mabigyan ng bakuna sa pamamagitan ng mobile vaccination.

Facebook Comments