Tinawagang pansin na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ‘Mocha Uson Blog’ dahil sa ibinahagi nitong larawan na nagpapakita ng pagdagsa ng maraming tao sa isang vaccination site sa loob ng isang mall.
Sa abiso ng Manila City Public Information Office, tinawag nitong fake news ang larawan dahil matatagpuan ang mall sa Antipolo, Rizal na malayo sa hurisdiksiyon ng Manila.
Agad namang nabura ng post na ibinahagi ng blog na caption pa na “YORME. Sa Maynila ganito kami, sa 2022 buong Pilipinas na rin sana.
Paghimok naman ng Manila PIO na publiko na agad i-report ang mga kahalintulad na post dahil maituturing itong fake news.
Facebook Comments