Model napaiyak, hinimatay sa TV matapos bawasan ng 12-pulgada ang buhok

52927
Screenshots via IG

Hindi napigilang umyak at hinimatay pa ang isang babae sa Turkey matapos gupitan ang buhok ng higit 30 sentimetro sa palabas sa TV.

Lumabas sa programang “Kuaförüm Sensin” o “You’re My Hairdresser” ang modelong si Ilayda kung saan binawasan ang kanyang buhok ng haba na hindi niya inasahan.


Paligsahan para sa mga hairdresser at stylist ang naturang programa na nagdo-donate ng mga ginupit na buhok sa charity na gumagawa ng mga wig para sa mga may cancer.

Ayon sa mga ulat, mas mahaba sa napag-usapan o sa ginusto ng model ang ginupit ng hairdresser.

Noong una’y pinakiramdaman muna ni Ilayda ang kanyang buhok, at maya-maya’y napaiyak na lang nang mapagtanto na mahaba-haba ang nabawas sa kanya.

Aalis na sana sa set nang biglang nanghina at natumba ang model na maswerteng nasalo ng host ng programa.

Usap-usapan ngayon sa social media ang dinanas ng model na para sa marami ay “relatable”.

Facebook Comments

From Advertisers