Inihayag ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na sisimulan na bukas ang gagawing Modern PUV Caravan sa Lipa, Batangas.
Ayon kay Department of Transportation o DOTR Secretary Arthur Tugade, layunin ng nasabing caravan na mapag-usapan ang mga hinaing ng drivers, operators, at commuters sa Marinduque kauganay sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Dagdag pa niya na layunin din nito na makapagbigay kaalaman sa publiko tungkol sa PUVMP at kung paano makakatulong ito sa takbo ng public transportation sa Pilipinas.
Ang PUV Modernization Program ay isang non-infrastructure project ng gobyerno na may layunin na makapagbigay ng maayos, komportableng at murang public transportation system sa buong bansa.