Moderna COVID-19 vaccine, mas mabisa kaysa sa Pfizer laban sa Delta variant ayon sa isang pag-aaral sa US

Nakitang mas mabisa ang Moderna vaccine kaysa sa Pfizer BioNTech laban sa COVID-19 Delta variant ayon sa isang pag-aaral sa Estados Unidos.

Sa pag-aaral sa 50,000 na pasyente mula sa Mayo Clinic Health System, bumaba sa 76% ang bisa ng moderna laban sa Delta variant mula sa 86% na naitala nitong umpisa ng taon.

Habang ang Pfizer, bumaba rin ang efficacy laban sa Delta variant sa 42% mula dating 76%.


Naniniwala naman ang Pfizer na posibleng kailanganin ang third dose booster sa loob ng anim hanggang 12 buwan matapos na makumpleto ang una at ikalawang dose ng bakuna para mapanatili ang mataas na lebel ng proteksyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments