Manila, Philippines – Sinubukan mismo ng pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero ang pagpapalipad ng kanilang isa sa mga combat aircraft na FA50 fighter jet sa Air Defense Alert Center, Clark AirBase, Pampanga.
Inilipad ni Guerrero ang FA50 kasama ang isa sa mga piloto ng Philippine Air Force upang personal na matukoy ang kakayanan ng aircraft na ito na bagong bili para sa Philippine Airforce.
Pagkatapos ng flight binigyan ng Mach 1+ patch, Mach Buster Plaque, at FA-50PH patch si Guerrero.
Patunay ito na may kakayanan ang combat aircraft na lumipad ng may bilis na Mach 1.2 or around 1,482 kilometers per hour flight.
Dahil dito tiniyak ni Guerrero na patuloy nyang susuportahan ang modernization program ng AFP.
Partikular ang pagbibili ng mga kagamitang pandigma lalot malaki ang naitutulong nito sa paglaban sa mga kalaban ng estado.
Sa ngayon, mayroon nang kabuuang labing dalawang FA50 fighter jet ang Philippine Airforce na binili ng pamahalaan sa South Korea sa halagang 18 billion pesos.