Modernisasyon ng BFP, aprubado na sa plenaryo ng Kamara

Lusot na rin sa third and final reading ang panukala para sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa botong 223 at wala namang pagtutol ay naaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 7406 o Bureau of Fire Protection Modernization Bill na isa rin sa mga priority measures na inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

Layunin ng panukala na palakasin at gawing makabago ang BFP para sa pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko mula sa lahat ng uri ng destructive fires.


Idinagdag din sa mga functions ng BFP ang pagresponde tuwing may natural at man-made disasters gayundin ang pagtulong sa rescue at emergency medical services.

Pinaglulunsad din ang BFP ng emergency hotline na isasama sa 911 hotline program ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang mabilis na makapagbigay serbisyo sa mga siyudad at munisipalidad sa buong bansa.

Binibigyang mandato din ito na magtatag ng specialized fire protection services para sa mga high-rise building, forest, airport/aircraft, ship at chemical fires gayundin ang disaster rescue at emergency medical services.

Responsibilidad na rin ng BFP ang pagbibigay ng fire safety evacuation clearance bilang pre-requisite bago mag-isyu ng building permit.

Facebook Comments