19-anyos na Binata, Patay nang Mabangga ang Nakawalang Alagang Kalabaw

275

Cauayan City, Isabela- Idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor ang isang binata matapos bumangga sa nakawalang kalabaw lulan ng kanyang motorsiklo pasado alas-syete ngayong gabi sa Brgy. Centro West, Sta. Teresita, Cagayan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jerome Ballesteros, 19-anyos at residente ng Brgy. Masi habang ang suspek ay nakilalang si Jayson Valdez, 31-anyos, caretaker ng kalabaw at residente ng Brgy. Centro West.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt. Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP Sta. Teresita, patungo sa silangang direksyon ang biktima ng aksidente nitong mabangga ang nakawalang kalabaw sa daan na dahilan para ito ay tumilapon sakay ng kanyang motorsiklo.

Nabatid na walang suot na helmet ang biktima ng maganap ang aksidente kung kaya’t nagtamo ito ng matinding sugat sa ulo na kanyang ikinasawi.

Sasampahan naman ang suspek ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property makaraang makawala ang itinali nitong kalabaw.

Nagpaalala naman sa publiko ang hepe ng pulisya na ugaliin pa rin ang pagsusuot ng helmet kahit malayo o malapit man ang pupuntahan lulan ng motorsiklo para maiwasan ang matinding aksidente sa daan.




Facebook Comments