Hindi nakalusot sa Senado ang pagpaparatipika ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa Bicameral Conference Committee report ukol sa panukalang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection.
22 mga senador ang physically at virtually present sa session kaya 12-Yes votes ang kailangan pero 11 lang sa mga ito ang nakaboto ng pabor.
Kinabibilangan ito nina Senators Sonny Angara, Bato dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Ping Lacson, Lito Lapid, Imee Marcos, Manny Pacquiao, Koko Pimentel, Bong Revilla at Francis Tolentino, hindi naihabol ang Yes vote ni Senator Bong Go dahil nagkaroon ito ng problema sa internet connection.
8 ang bomoto kontra sa panukala na kinabibilangan nina Senators Nancy Binay, Dick Gordon, Franklin Drilon, Pia Hontiveros, Kiko Pangilinan, Grace Poe, Ralph Recto, at Joel Villanueva.
Tutol kasi sila sa probisyon sa panukala para sa pag-aarmas ng mga bombero at kanilang katwiran na hindi naman tungkulin ng mga ito ang magpanatili ng peace and order.
Nag-abstain naman o hindi bumoto sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III gayundin sina Senators Migz Zubiri at Pia Cayetano dahil bagama’t nais nilang suportahan si Senator Dela Rosa ay tutol din sila na armasan ang mga bombero.