Manila, Philippines – Nanawagan ang ilang Transport Group na huwag gawing mandatory ang jeepney modernization program na isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa interview kanina ng RMN kay Stop and Go Transport Coalition President Jun Magno, aniya hindi naman tulong kundi negosyo ang nasabing programa.
Hindi naman kasi aniya libre ang pagpapalit nila ng mga lumang jeep dahil bukod sa babayaran, may interes pa ang 1.4 million pesos na loan program.
Kinuwestiyon din ni Magno ang tibay ng mga E-jeepney.
Dagdag pa ni magno, hindi dapat isisi sa mga lumang jeep ang problema sa trapiko.
Ayon naman kay Lito Wayas, Vice President ng Piston – hindi kakayanin ng mga jeepney operator sistemang paghuhulog ng 600 pesos hanggang 800 pesos kada araw para tuluyang maangkin ang mga E-jeepney.