Modernong motor vehicle inspection system, isa nang realidad ayon sa LTO

Photo Courtesy: DOTr FB Page

Matapos ang 12 taong paghahanda, isa nang realidad ang pagkakaroon ng Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO).

Sa pamamagitan ng MVIC, mapapalitan na ang makalumang sistema ng motor vehicle registration.

Isang walk-through din ang isinagawa sa private emission testing center sa Angeles, Pampanga.


Sinabi ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante na sa pamamagitan ng PMVIC ay gagawing scientific, methodical at higit na systematic ang pagsusuri ng roadworthiness ng mga sasakyan.

Kung ikukumpara sa Private Emission Testing na test emission lang ang nagagawa, sa PMVIC ay masusuri ang major parts ng sasakyan.

Target na maipatupad ang phase 1 ng MVICs sa kalagitnaan ng taong 2021.

Facebook Comments