MODERNONG PARAAN | Pamamahagi ng kagamitan para Early Warning Broadcast System, pinag-aaralan na ng pamahalaan

36

Manila, Philippines – Muling ipinagmalaki ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar ang inilunsad nilang Early Warning Broadcast System. Sabi ni Secretary Andanar sa interview ng RMN, noong nakaraang taon pa nila ito inilunsad sa Davao City. Layunin kasi ng Early Warning Broadcast System na bigyan ng mas maagang babala ang publiko sa pamamagitan ng kanilang television set hinggil sa mga paparating na sakuna. Kailangan na rin kasi aniyang sumabay ng gobyerno sa modernong paraan ng pagbibigay impormasyon sa publiko. Pero sa ngayon aniya ay pinag-aaralan pa nila kung paano idi-distribute ang mga ito.

Facebook Comments