*Cauayan City, Isabela*- Inaasahang makikita na sa mga pampublikong lansangan ang mga 25-seater modern Public Utility Vehicles (PUV) na pinasinayaan sa pangunguna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang mga modernong PUV ay may biyaheng Cauayan City hanggang City of Ilagan.
Ayon kay Regional Director Edward Cabase ng LTFRB-RO2, na malaki ang pagkakaiba ng mga modernong jeep at van dahil airconditioned, CCTV equip at GPS tracking device at cashless transaction.
Mas mataas din ng 2 piso ang pasahe dahil mula sa 8 pesos ay magiging 10 pesos bawat pasahero.
Ang mga tsuper ay salary based at hindi na boundary system, mayroon silang kontribusyon sa Philhealth at sa Pag-ibig Fund.
Nilinaw ni Director Cabase na mananatili pa rin sa pagbiyahe ang mga lumang jeep habang kulang pa ang bilang ng mga modernong PUV.