Manila, Philippines-Posibleng ikasa na rin ng MMDA ang Modified Odd-Even Number Coding Scheme sa EDSA sa susunod na buwan.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos – sa ilalim ng bagong scheme, hindi ipagbabawal sa lahat ng oras ang bumibiyaheng sasakyan dahil may mga oras lamang mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi na hindi maaring dumaan sa EDSA.
Nilinaw din ni Orbos na mga pribadong sasakyan kasama ang Uber at Grab lamang ang sakop ng nasabing modified scheme.
Abiso ngayon ni Orbos sa mga motorista – alamin kung anong oras ipinagbabawal ang kanilang mga sasakyan sa EDSA.
Hindi ito kinontra ng Metro Manila Council o alkalde ng 16 siyudad at isang munisipalidad ang bagong plano ng MMDA.
Dahil dito, sinabi ni Orbos na paiigtingin pa ang kampanya laban sa illegal parking at obstruction sa kalsada.