MODUS | Babae na nagpapanggap na abogado, arestado ng NBI

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang babae matapos na magpanggap na isang abogado.

Timbog sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si Vikcy Delos Reyes na isa daw abogado at humawak pa ng isang annulment case.

Ayon sa biktimang si alyas Emil, lumapit siya sa suspek para pahawakan dito ang annulment case ng kaniyang tiyahin pero agad siyang nagduda sa pangako ng pekeng abogado.


Matapos tanggapin ng suspek ang pera P40,000 na ibinayad ng biktima agad itong inaresto ng NBI.

Sa kaniyang “law firm”, nadiskubre rin ang mga pekeng ID ng suspek kung saan nahuli na ito dati sa isa pang entrapment operation matapos ding magkunwaring abogado.

Facebook Comments