Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babae nagpakilalang taga-Malacañang matapos siyang mangikil sa isang kandidato.
Kinilala ang suspek na si Nicole Mercado Namuag.
Ayon kay Hilarion Pimentel, sinabi sa kaniya ng suspek na kaya niyang manipulahin ang mga PCOS machine na nasa Laguna para maipanalo ang isang kandidato kapalit ng ₱20 milyon.
Nagpakilala rin aniya ang suspek na taga legal team ng Malacañang.
Depensa ng suspek, para sa pangangampaniya sa social media ang tinanggap niyang ₱5 milyong downpayment mula kay Pimentel.
Sabi naman ni Atty. Emeterio Dongallo, ilan pang kandidato ang lumapit sa kanila para ireklamo ang pandaraya ni Namuag pero umurong ang mga ito nang masindak sa mga kilalang kaibigan ng suspek.
Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong estafa, usurpation of authority at falsification of documents.