Modus ng mga holdaper na gumagamit ng tricycle, huli sa CCTV

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang modus ng mga holdaper na gumagamit ng tricycle sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Makikita sa video ang pagparada ng isang tricycle at sabay-sabay na bumaba ang apat na lalaki habang naiwan naman ang driver.

Sinundan ng dalawang lalaki ang target nilang babae at tinangka nang holdapin ito.


Nang makapalag ang babae tumakbo ito sa loob ng isang restaurant.

Tumakbo ring patakas ang mga lalaki saka sumakay ng tricycle.

Ayon kay hepe ng QCPD station 3 na si Supt. Danilo Mendoza – pinaghahanap na ang operator at driver ng tricycle.

Tiniyak ng awtoridad na matutukoy agad ang pagkakakilanlan ng mga holdaper.

Facebook Comments