Iginiit ni Marikina City Representative Stella Quimbo na panahon na para isapribado at palitan ang pamamalakad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Kasunod na rin ito ng itinutulak niyang House Bill 7429 o Social Health Insurance Crisis Act na binibigyang kapangyarihan ang Pangulo na i-privatize ang buong PhilHealth o ang ilang segments nito.
Pero ayon kay Quimbo, kailangan munang makita ang modus at problema sa ahensiya bago ito gawin.
Dito kasi aniya makikita kung paano papalitan at maaamyendahan ang mga batas na gagawin para malinis ang PhilHealth.
Paliwanag pa ni Quimbo, maganda naman ang layuning ipinapakita ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng PhilHealth, pero wala itong kontrol at wala ring maipakitang maayos na liquidation report.