Pinangunahan ni BARMM Health Minister Safrullah M. Dipatuan ang serye ng
cleft lip and palate surgery operations na tinawag nilang “Alay namin Ngiti para sa Kinabukasan” mula November 28 hanggang December 1, 2019.
Libre na ipinagkaloob ang naturang operasyon sa Bangsamoro patients at maging ang mga taga-Lanao del Norte at Zamboanga del Sur ay nakinabang din.
Pinapurihan naman ng Ministry of Health ang hindi matutumbasan na kontribusyon ni Dr. Serapio B. Montañer, Jr., Al-Haj Memorial Hospital, Smile Train Philippines, at Marikina St. Vincent General Hospital sa naturang operasyon.
Ayon sa World Health Organization, ang cleft lip, cleft palate o mga kaparehas na kondisyon ay pawang sanhi ng birth defects na nakaapekto sa tinatayang 1 per 500-700 na mga bagong silang na sanggol. Ang naturang kondisyon ay nagdudulot ng problema sa pagkain, pagsasalita, at maging sa pandinig nf pasyente.
Isa sa mga nakinabang sa naturang libreng operasyon ay ang isang lalaki na may bingot mula sa Tubok, Malabang, Lanao del Sur na tatlumpung ta on na tiniis ang hirap sa pagsalita at dental problems.
“We are happy that the babies and children can finally eat properly while the older ones can now confidently smile and speak,” ayon kay Dipatuan.