Ipinag-utos ng Senate Blue Ribbon Committee na ilipat sina Pharmally Pharmaceutical Corporation Executives Mohit Dargani at Linconn Ong sa Pasay City Jail.1s
Ito’y matapos aprubahan ng komite ang mosyon ni Senador Francis Pangilian na ilagay sina Dargani sa kustodiya ng Pasay City Jail matapos nilang sabihing hindi nila alam kung nasaan ang kahon ng financial documents ng Pharmally.
Bago ang kautusan, parehong nakakulong ang dalawa sa Senado matapos ma-cite in contempt dahil sa pagiging mailap sa mga tanong ng mga senador at hindi pagdalo sa mga pagdinig.
Ang kapatid naman ni Mohit na si Twinkle, na nakakulong rin sa Senado ay ipapadala sa Correction Institute for Women sa Mandaluyong City.
Iminungkahi rin ng komite na i-admit si Twinkle sa National Center for Mental Health matapos makaranas ng mental health problem.
Pero sinabi ng komite na manatili na lamang ito sa Senado at maaring na lang siya ang bisitahin ng doktor.
Ang financial documents ng Pharmally ang pinaniniwalaan ng mga senador na susi sa imbestigasyon sa pagbili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) sa overpriced na pandemic supply.