Operational na ngayong araw ang molecular laboratory ng Philippine Army na makakatulong sa paglaban sa Coronavirus disease 2019.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, sinimulan ang operasyon ng molecular laboratory matapos na matanggap ang accreditation mula sa Department of Health (DOH).
Sinabi naman ni Army Commanding General Lt. Gen. Cirilito Sobejana na ang laboratory ay magbibigay ng quality health care services na may kinalaman sa emerging infectious diseases sa Philippine Army at magpapa-angat ang kapabilidad ng Army sa paglaban sa COVID-19 sa bansa.
Ang laboratoryong ito ay tatanggap ng mga swab samples mula sa indibidwal o institusyon dahil ito ay nagsisilbing Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) COVID-19 testing na kayang mag- accommodate ng 90 samples kada araw.