Umaasa si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na mabubuksan na sa susunod na linggo ang molecular laboratory na itinatayo sa lungsod.
Dahil sa ngayon, matatapos ang paghahatid ng mga medical equipment bago matapos ang buwan na ito.
Aniya, ang nasabing laboratory na nasa Ospital ng Muntinlupa o OsMun ay inaasahang makakapag-proseso ng 100 COVID-19 test kada oras at sa loob lamang ng anim na oras ay may resulta na.
Tiniyak naman ng alkalde na ang mga personnel nito ay sumailalim ng pagsasanay na ginawa ng Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Sinabi rin ni Fresnedi na mayroon nang closed coordination ang OsMun sa pamamagitan ni Dr. Edwin Dimatatac, OsMun Director at ng DOH para sa accreditation ng naturang laboratory.