MOLECULAR LABORATORY NG PANGASINAN, NAIS PANG MAPATAAS ANG PAGPROSESO NG SWAB SAMPLES

Dalawang shift na ngayon ang umiiral sa Molecular Laboratory na matatagpuan sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City, ito ay upang mapadali umano ang paglabas ng swab test results ng mga kinukuhanan ng swab test samples.

Kaugnay nito ay tumaas na din ang kapasidad ng nasabing molecular laboratory na kaya ng makapagproseso ng aabot apatnaraang swab test kada araw kung kaya’t malimit na lamang din ang pagpapadala sa Baguio General Hospital at sa probinsya ng La Union.

Ang resulta umano ng swab test ay maipapalabas na sa loob ng isang araw kung ikukumpara noong mga nakaraan ay inaabot pa ng halos limang araw o isang linggo.


Umaasa naman si Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Officer at ang pamunuan ng PHO na magiging free shift na operasyon ng molecular lab upang sa gayon umano ay mas madaling ma-contain o mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 lalo na ngayon sa pag usbong ng Delta Variant.

Tiniyak naman ng PHO na prayoridad dito ay ang mga Pangasinense.

Facebook Comments