Molecular laboratory ng Philippine Red Cross sa Surigao del Norte, binuksan na!

Binuksan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang molecular laboratory nito sa Surigao del Norte ngayong araw.

Ito’y makaraang pumasa ang laboratoryo sa proficiency test noong December 9, 2020.

Ayon kay PRC Chairman at Senador Richard Gordon, inaasahang sa lalong madaling panahon ay magiging operational ang molecular lab oras na makumpleto ang requirements ng Department of Health (DOH).


Ang laboratoryo ay mayroong dalawang Polymerase Chain Reaction (PCR) machine at isang ribonucleic acid (RNA) extractor na kayang magproseso ng 2,000 tests kada araw.

Maseserbisyuhan nito ang buong Caraga Administrative Region at mga kalapit probinsya.

Samantala, nakatakda ring buksan ng PRC ang isa pang bagong molecular lab sa Passi, Iloilo na layong mapataas ang COVID-19 testing capacity ng bansa na kasalukuyang nasa 44,000 test per day.

Facebook Comments