Presyo ng mga agricultural products, posibleng magmahal dahil sa truck ban

Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na maaring magresulta sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin kung sakaling maaantala ang pagde-deliver ng pagkain sa National Capital Region (NCR).

Kasunod ito ng pagbabalik ng truck ban sa edsa at ilang pangunahing kalsada simula sa Lunes, Disyembre 14.

Sa interview ng RMN-Manila kay Agriculture Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization Ariel Cayanan… hihilingin nila sa pamunuan ng mmda na i-exempt ang mga truck na maghahatid ng pagkain sa NCR.


Ito ay para matiyak na hindi maaantala ang delivery ng critical agriculture commodities tulad ng karne ng baboy, manok, gulay at iba pa.

Samantala ayon kay Cayanan, nakatakda silang makipagpulong sa mmda sa susunod na araw.

Facebook Comments