Molecular Laboratory para sa RT-PCR Test, Itatayo sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Inaasahan na maitatayo ang improvised molecular laboratory at magagamit bilang testing facility sa pagkuha ng specimen sample para sa RT-PCR test bago matapos ang buwan ng Agosto.

Ayon kay Administrator Head Stephanie Cabrera ng Philippine Red Cross-Isabela Chapter, sa pagkakaroon nito ay mas mapapabilis ang pagtukoy sa resulta ng mga kukuhanan ng specimen sample para sa COVID-19.

Aabutin ng halos 10-araw sa pagtatayo ng nasabing improvised facility.


Inamin din ni Cabrera na may kakulangan ang suplay ng dugo kung kaya’t kada-linggo ay nagsasagawa sila ng mga paraan upang madagdagan ang mga blood donors.

Patuloy naman aniya ang kanilang ginagawang house-to-house visit para sa mga gustong maging blood donors.

Facebook Comments