Mommy D – ginawang simple ang pagdaraos ng kanyang 68th birthday ngayong araw

250

Manila, Philippines – Nag-celebrate ng kanyang 68th birthday ngayong araw ang ina ng Pambansang Kamao na si Mommy D.

Pero, taliwas sa nakasanayang magarbong selebrasyon, naging simple lamang ang ginanap na okasyon sa kanilang kapilya kung saan isang misa ang idinaos.


Kabilang naman sa mga sumurpresa kay Mommy D ang kaniyang boyfriend na si Michael Yamson.

Kasabay ng mahigpit na yakap, say ni Michael – wish daw nito na bigyan pa ng Panginoon ng mahabang buhay si Mommy D.

Nagpaabot naman ng regalo ang kaniyang anak na si People’s Champ Manny Pacquiao ng bulaklak at tsokolate para sa ina.

Facebook Comments