Kaso ng tanim-droga sa hanay ng mga pulis sa buong Pilipinas, tumaas

225

Manila, Philippines – Tumaas ang kaso ng tanim–droga sa hanay ng mga pulis sa buong Pilipinas.

Ito ang ibinulgar ni Volunteers Against Crime and Corruption Chairman Dante Jimenez kasunod ng pagkukumpirma na pumalo na sa 30 ang kaso ng tanim-droga sa bansa.


Ayon kay Jimenez – karamihan sa mga ito ay nasa Metro Manila.

Una nang inireklamo sa VACC ang hepe ng Mabalacat, Pampanga na si Supt. Juritz Rara at pinuno ng Drug Enforcement Unit na si Senior Insp. Melvin Florida dahil umano’y tanim-droga.

Facebook Comments