Mommy D. masayang ipinagdiwang ang ika- 68 na kaarawan kahit di nakadalo ang anak na si Manny

General Santos City- Masiglang pangangatawan at buo ang pamilya. Ito ang tanging wish ni Mommy D. sa pagdiriwang nito ng ika- 68 taong kaarawan.

Kagabi suot ni Mommy D ang pulang damit at ipinagdiwang ang simpleng kaarawan nito kasama ang pamilya ang piling mga kaibigan.

At kahit may sakit, masaya pa rin itong humarap sa mga bisita. Una ng nagsagawa ng isang misa sa kanilang kapilya sa may Barangay Labangal bago pa man ang simpleng party sa bahay nito.


Kasama naman nitong nag entertain sa mga bisita ang boyfriend nitong si Michael Yamson.

Di nakadalo ang anak nitong si Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquaio sa selebrasyon pero nagpadala naman ito ng isang bungkos ng bulaklak at Chocolate para sa kanyang ina.
Malaki rin ang pasasalamat ni Dionesia Pacquiao na patuloy ang suporta ng mga tao sa kanyang mga anak na pawing mga public servant.

Napag-alaman na isang kongresista ng Sarangani Province ang anak nitong si Congress Ruel Pacquiao, konsehal naman ng Gensan ang anak nitong si Bobby at senador ang anak nitong boksidor na si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao. *( Bryan Lavega Oñate)*

Facebook Comments