Team Malaysia, itinuring na malaking karangalan ang makatunggali ang Gilas Pilipinas sa SEABA Championship

Manila, Philippines – Natalo man ang Malaysia sa Gilas Pilipinas sa laban nila nitong nakaraang linggo sa 2017 SEABA Championships, para kay Coach Goh Cheng Huat, ito parin ay itinuturing niyang mission accomplished para sa Malaysia.

Ayon sa Malaysian Coach, sinabi niya sa kanyang team na isang karangalan para sa kanila na maglaro kasama ang dream team ng Pilipinas.

Masaya ang Malaysian Coach sa performance ng Gilas dahil nakatulong raw ang mga ito sa kanyang mga players.


Hindi na bago sa Philippine Basketball si Coach Goh dahil naturuan niya ang Blustar Malaysia squad na dalawang beses ng sumasali sa PBA D-League.

Marapat din daw na sundan ng malaysia ang mga yapak ng Pilipinas sa larangan ng basketball, ang pagkakaroon ng college league, PBA D-League at PBA.
DZXL558

Facebook Comments