Mommy Divine, sumugod sa kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli; aktor, nanapak ng security guard!  

18009

Ipina-blotter ng family at close in security ni Sarah Geronimo ang TV actor na si Matteo Guidicelli dahil sa panununtok.

Ayon sa report, nangyari ang insidente alas-11:00 kagabi sa Shangri-La, BGC kung saan ginanap ang civil wedding ng celebrity couple.


Nagsimula ang gulo nang hindi inaasahang dumating sa venue ang ina ni Sarah na si Mommy Divine na hindi pala informed sa naganap na kasalan.

Habang nag-uusap ang mag-ina, doon na kinompronta ni Matteo ang close-in security ni Sarah na si Jerry Tamara at pinagbintangang ito ang nagsumbong kay Mommy Divine tungkol sa pribadong kasal ng dalawa.

Tumanggi naman si Tamara na maghain ng formal complaint laban kay Guidicelli at sa halip ay ipina-blotter lamang ang insidente.

Kahapon nang umaga nang lumabas ang balitang ikakasal na sina Sarah at Matteo, bagay na itinanggi ng dalawa.

Facebook Comments