Mon Confiado, ibinahagi ang matinding physical transformation para sa ginampanang role

314
Image via Instagram / monconfiado

“In the name of cinema.”

Muling pinatunayan ng aktor na si Mon Confiado ang kaniyang dedikasyon at propesyunalismo sa trabaho sa ibinahagi niyang larawan sa Instagram.


Pinabilib ni Mon ang kaniyang mga taga-hanga sa ipinost niyang physical transformation para sa mga ginampanan niyang papel kamakailan.

Mula sa maskulado at malakas na boksingero, nag-transform ang aktor sa matamlay at lobo ang tiyan na lalaki, nang natural.

Sa caption, sinabi ng aktor na hindi madali ang pagbabago ng katawan o pisikal na anyo para sa gagampanan sa pelikula.

“It requires a lot of discipline, dedication, passion, sacrifice, commitment and love for the art,” ani Mon.




Una nang nag-viral ang transformation ni Mon para sa role niya sa ‘The Diplomat Hotel’, kung saan nagbawas siya ng kulang kulang 20kg sa loob ng isang taon.


Isa sa mga sumikat na karakter na ginampanan ng two-time FAMAS awardee ay bilang si dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa pelikulang ‘Heneral Luna’ at ‘Goyo: Ang Batang Heneral’.

Facebook Comments