Money ban, ipatutupad ng COMELEC bago maghalalan

Para masawata ang vote buying sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), magpapatupad ng money ban checkpoint ang Commission on Elections (COMELEC).

Sa ilalim ng money ban, bawal ang pagbiyahe at pagbibitbit ng cash na aabot sa ₱500,000 o anumang foreign currency na katumbas ng naturang halaga.

Ayon kay Atty. Glinis Tamondong, Director for Election and Barangay Affairs Department, ipatutupad ang money ban limang araw bago ang eleksyon at sa kasagsagan ng eleksyon.


Paglilinaw naman ni Tamondong, hindi sakop sa money ban ang mga magdadala ng pera na malaking halaga dahil sa kanilang trabaho at negosyo pero kinakailangan munang mapatunayan ito.

Halimbawa rito ang mga cashier at disbursing officer.

Bilang pruweba ay dapat magpresinta ng office-issued identification card o kaya naman ay certificate of employment.

Facebook Comments