Money changer, sinasabing nasalisihan ng 2.5 milyon pesos

Boracay – Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng Malay PNP sa isang money changer na sinasabing nasalisihan ng humigit 2.5 milyon pesos kahapon sa isla ng Boracay.

Base sa insiyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, lumalabas na iniwan ng biktima at empleyado ng money changer na si Nico Jun Caagbay, 26-anyos ng Siito Manggayad, Balabag, Malay ang kanyang backpack sa loob bago ito mag-CR.

Pero bago ito umalis at isinara ang money changer ay ibinilin niya muna sa sales lady ng katabing tindahan.


Nagulat lamang ito sa kanyang pagbalik na wala na ang nasabing bag na may lamang pera na pagmamay-ari ng kalive-in partner ng kanyang kapatid.

Kasama rin sa mga nawala ang passbook, checkbook, P170,000 cash na nakalagay sa counter at cellphone ng biktima.

Samantala, sa pag-review ng mga CCTV footages sa lugar, nakita ang isang lalaki na nakajacket ng itim at may hood na may dalang backpack na itim na positibo namang na identify ng biktima.

Facebook Comments