Mga police official, isinailalim sa drug test

Cebu City – 60 mga police officials sa Cebu City police office  ang isinailalim sa surprise drug test, matapos tatlong personnel sa isang police station ang nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ipinatawag ni CCPO chief, police colonel Gemma Vinluan ang kaniyang mga tauhan para sa isang miting sa kaniyang tanggapan at bigla na lang  nitong inanunsiyo na sasailalim sila sa drug test.

Ang mga police officials na nagpadrug test ay may ranggong  police lieutenant  hanggang  lieutenant colonel.


Ayon kay Vinluan, bahagi pa rin ito ng internal cleansing ng PNP matapos tatlong pulis sa waterfront police station ang nagpositibo sa drug test noong nakaraang linggo.

Facebook Comments